1st time

Papunta kaming maynila noon,hindi ko na maalala kung ilang taon nako ng mga panahong yun.basta bata pa ko nun.Suamakay kami sa barko (Super Ferry 8), kasama ko si mama at ang bunso kong kapatid. Naghintay muna kami ng medyo matagal sa paghihintay sa barko na sasakyan namin. Nung paakyat na kami sa barko medyo nanainibago ako kasi first time ko lang naman sumakay ng ganung kalaking bangka. Pagpasok namin ay hinanap namin yung bedroom na pagpapahingahan namin(actually hindi sya room, mga nakahilerang double deck lang ang naandun, eh di syempre pahinga muna saglit). maya-maya ay bigla akong nakaramdam(naiihi na pala ako nun),tinanong ko kay mama kung saan banda ang banyo(kasilyas kung tawagin sa probinsya),nung papunta na ko sa banyo kasi di ko na talaga kaya lalabas na, may nakaharang sa daanan papunta sa pupuntahan ko (isang babae at lalaki nag-uusap), sabi ko “iskyusmi” (dapat excuse me, di ko kasi alam kung paano ang tamang pag pronounce ng word na yun, at syempre bisaya kasi ako kaya ganun:-)). Nung pagpasok ko sa banyo (aba kakaiba walang ganito sa bundok) ganun pala ang itsura ng banyo ng mayayaman, tapos nung pagkatapos ko umihi di ko alam ang gagawin ko kasi di ko alam kung paano i-flash yun (di tulad sa amin buhusan mo lang ng tubig nakapag flash ka na), eh di tinawag ko si mama tinanong ko kung panu bubuhusan yun kasi walang tabo, meron daw palang parang pindutan dun sa my gilid ng bowl, eh di yun binalikan ko talaga yung banyo para i-flash ung ihi ko (hinanap ko yung sinasabi ni mama) nung makita ko yung parang pindutan na i-pupush mo lang pa-ibaba bigla na syang nag flash( ay ganun pala yun?).

Noong pag baba namin ng barko sumakay kami sa taxi( naku ang lamig pala sa loob ng kotse), maya maya ay bigla akong nakaramdam ng pagkahilo, medyo nanibago kasi ang katawan ko sa mga oras na yun, di ko alam ang gagawin ko nun kasi parang nasusuka na ko sa sobrang hilo first time ko lang kasi makasakay ng di-aircon na sasakyan,tapos pinikit ko na lang yung hilo ko hanggang sa makarating kami sa pupuntahan namin (sa bahay ng ate ko), pagbaba namin sa taxi nahihilo parin. sabi ihiga ko na lang daw sa kwato. pagka higa ko wow ang lambot ng hinihigaan kong (di tulad sa amin maglalatag lang ng banig sa sahig) kama, tapos yung amoy ng kwarto amoy mayaman talaga (ibang iba sa amoy sa probinsya, hindi amoy kahot:-)) tapos ayun hanggang sa nakapag pahinga ako, adfter nun dumiretso ako sa kusina kasi nagugutom na ko, isang WOW ulit, daming pagkain sa ref tapos may mga iba’t ibang klase ng prutas sa lamesa (sa amin kasi laging saging ang kinakain namin pag walang kanin).,at kumain na ko…

 

 

yung isa sa mga hindi ko malilimutang pangyayari ay natuto akong mag basa ng dictionary dahil sa ate ko. it was a very special moment that i will never forget…:-(

i just want to share my story…

Got something to say? Go for it!