Schedule (A story of unexpected Love)

Minsan hindi natin alam kung kelan tayo magmamahal. Hindi natin hawak ang puso’t isip natin. Sila mismo ang gumagawa ng paraan para mahulog ang iyong dadamin sa isang tao. Itong ang istorya ni Mark.

 

Ako si Mark, isang hamak na lalaki. Matangkad, Hindi naman kapangitan. Hindi naman din kagwapuhan. Tama lang. President ng I.T. Organization and Student Council Officer. Maasahan din pagdating sa studies. Laging takbuhan ng mga istudyanteng may virus ang flash drive o magpapagawa ng HTML Site. Hahaha!!! So kwento ko na yung istorya ko. So dahil isa akong Student Council Officer, madalas akong makikita na tumutulong sa mga staff ng school. First week of school nun. So medyo magulo pa ang sched ng mga studyante. Marami pa din ang nag eenroll. Nakaupo ako nun sa Help Desk para tumulong sa mga students na naguguluhan sa sched nila. So, medyo busy ako until:

 

Leslie: Mark, patulong naman dito, may klase pa ako eh. Male-late na ako.

 

Mark: Okay. Wait lang. tapusin ko lang tong ginagawa ko.

 

Pagkatapos kong ayusin yung sched ng isang studyante, inabot sakin bigla ni Leslie yung Sched ng isang student. So ako, tinititigan ko yung sched niya para Makita ko yung mga may conflict sa sched niya. Hindi ko tinititgnan yung may ari nung sched.

 

Mark: ay. Ate, maymaliata sa sched mo. Conflict tong Computer Fundamentals mo.

 

 

 

Ako si Elle. Transferee from our province. Lumipat ako dito sa tita ko kasi siya ang nagpapaaral sakin saka binabantayan ko rin yung lola ko. Medyo matanda na din kasi.

 

It was my first week sa school. Medyo culture shock ako kasi ibang iba siya sa university sa province namin. So, inaayos ko yung sched ko with ate Leslie. Student Volunteer siya.

 

Leslie: Elle. Bigay ko na lang kay Mark yung Sched mo. May klase na kasi ako eh. First week pa naman tapos aabsent ako. Hahaha!

 

Elle: Okay po. Salamat po Ate Leslie. Ingat po. :D

 

Then binigay niya ito sa isang lalaking matangkad ( cute siya. Hihi… ) Mark daw ang pangalan.

 

Mark: ay. Ate, maymaliata sa sched mo. Conflict tong Computer Fundamentals mo.

 

Elle: ay. Sige. Paki ayos na lang po. Bawal po ako ng mas maaga sa 2 pm kasi po ako ang nagbabantay sa lola ko.

 

Mark: okay sige. Kaso kelangan mong mag drop ng ibang subject. Okay lang ba sayo?

 

Elle: Sige po. Okay lang. Sige po.

 

-END-

of part 1. :) ) may part 2 pa to mga idol. wait niyo lang. :D

One Comment on "Schedule (A story of unexpected Love)"

  1. Honeysuckle says:

    Good job making it appaer easy.

Got something to say? Go for it!