Spoiled ba Ako?

 

Spoiled Princess

 

Maraming nagsasabi na spoiled daw ako sa parents ko lalo na sa mama ko, pero hindi lang naman sa kanila pati na rin sa mga tita, lola, pinsan, kaibigan at minamahal.

 

Yeah! Im spoiled but brat? I don’t think so, siguro naman lahat tayo nakaranas ng maging spoiled kahit minsan lang.

 

Natatandaan ko bata pa lang ako spoiled na ko sa mama ko, actually until now spoiled pa din naman ako. Masaya maging spoiled pero minsan nakakainis at nakakahiya.

 

Masaya kasi para kang prinsesa, nakakainis kasi over protective sila, nakakahiya naman kasi wala akong ka alam-alam sa buhay.

 

Oh, ito na iku-kwento ko na ang sarili ko ha! Hmm, bahala na kayo sa magiging reaction nyo ha!

 

Who will believe that at this age (20 yrs old) e! hindi pa ako marunong bumyahe ng malayuan. Hehe, Las Piñas nga lang naliligaw pa ako e, samantalang lugar ko ito. Naaalala ko tuloy nung nag report ako sa OJT ko, inutusan ako noon magpunta sa UST (School) isa sa mga project ng company na pinag OJT-han ko. Na assign ako doon para mag observe, syempre kailangan ko mag byahe papunta dun. Nakarating naman ako dun at syempre ina-assist pa rin ako ng papa ko, nung uwian na tinanong nila ako kung saan daw sakay ko. Sabi ko naman hindi ko alam, ayun nagtawanan silang lahat (syempre nahiya naman ako, pa’no ba naman sobra protective yung parents ko sa akin kaya hindi ako natuto bumyahe ng malayuan). Hindi lang yan ang hindi ko alam gawin, pati pa ang gawaing bahay ay hindi rin o marunong. Ang magsaing nga lang mali pa ako e! minsan sunog, minsan naman hilaw pero nakakatyamba naman ako minsan e! hehe. Sa pagluto naman ng ulam e prito lang ang alam ko, minsan nga sunog pa! Sa paglalaba naman hindi ako pede asahan dahil tiyak magkakasakit ako pa pinaglaba mo ako. Tanging paghuhugas ng plato at pagplantsa (plantsang pede na, pedeng pag tiyagaan kahit manhid pa) lang ang pede asahan mo sa akin na pwede kong gawin.

 

Pagdating naman sa sarili ko, hindi pa rin ako maaasahan (kita mo nga, sobra na talaga ako!) paano pati yung damit na gagamitin ko e, si mama pa ang nag-aayos. Nakakahiya man sabihin, pero ultimo pag ipit ng buhok ko e, nanay ko pa din ang nag-aayos (minsan lnag naman yun ha!). Kung tatanungin nyo kung pati pananamit ko? e! oo, mama ko nga ang nag-aayos buti na lang pashionista ang nanay ko kung baga maka moderno kaya hindi naman ako nagiging mukha manang. (minsan lang din naman ‘to ha!).

 

Daddy's Little Girl

Bawat school naman na mapuntahan ko e, may nagiging mami ako kaya spoiled pa din ako. Lagi pa din may umaalalay at gumagabay sa akin di ba? Hehe ayous no?.

 

Pagdating naman sa boyfriend ko spoiled din ako, hindi lang spoiled kundi sobrang sobrang spoiled lang naman. Masarap kasi sa feeling pag bine-baby niya ako, kaso minsan naiisip ko pa’no kaya pag wala na sya. Paano ko nasabi? Ganito lang naman yun….

 

Hindi niya ako hinahayaang masaktan, mapagod, mahirapan at lagi pa akong pa-sarap sa buhay.Biruin mo ako pa yung pinagluluto at pinaghahandaan niya ng pagkain, samantalang ako yung babae. Hehe  mahilig pa ako mag-utos samantalang nasa bahay nila ako, minsan nga tawag na nya sa akin e prisesa, hehe yun naman yung pangako niya sa akin e!. Sa byahe naman lagi syang nakaalalay sa akin kung minsan nga ihahatid pa ako nun pag hindi ko talaga alam yung papunta at pag wala ako kasama. Pagdating naman sa material thing sagana pa din ako, actually ilang phone at gadgets na niya ang nasira ko at naiwala ko pero hindi man lang sya nagagalit (O! diba spoiled talaga). Tapos kahit hindi ko hinihingi e binibigay niya pa din sa akin at pag nagturo ako ng foods paktay na!! hehe din a niya matanggihan (takaw mata lang naman ako) hehe magastos daw ako e at maluho.

Sayings

Oh! Ano masasabi nyo sa ugali ko? tamad ba ako o sadyang spoiled lang talaga sa mga taong nakapaligid sa akin?  Madami pa nga yan kaso pinutol ko na hehe!! (hirap kaya mag type).

SaraT Roque
"Msuic" is my FIRST LOVE and NOW "Jesus" is my TRUE LOVE..... I am simply...Coz simplicity is beauty... Godbless us!!! I am..... Sarah Bautista Roque... I love my name and I'm proud of it...Biblical name kci..:-) but others call me ate, ate spoiled, arah, shane, baby, kulet, and potpot.. I am a simple girl who dreaming of a happy and simple life.. they say na "MABABAW yung KALIGAYAHAN ko, CHILDISH minsan" and thats true.. they also says that my attitude and behavior is my asset..(ewan ko lng) madami din naasar sa attitude ko n sobrang bait..khit inaabuso na aus lng..friend aman eh!!! even bina-back fight kn.. i dnt easily get mad kci..pero may hangganan ung pagiging mabait ko.. i have a lot of friends..and all of them loves me..because im transparent(daw)... what you see in me is the real me.. i hate "PLASTIK" kea hindi ako namamlastik remember what confucious says... ung first impression aman ng iba sken eh mataray at nakaka intimidate daw ako.. pero nung nkilala nila ako..ahehe bigla nagbago un.. shy lng tlga ako..kea gnun!!! im happy kapag nasa band n ko..pag tumutugtog n kmi..lalo n pag para kay God ung kakantahin.. when i Join sa "Praise and Worship" band ng church namin dun naging mas malalim ung faith ko sa kanya... "Music" is my FIRST LOVE and NOW "Jesus" is my TRUE LOVE... I know I am nothing without HIM.. HE's the only person n hindi ka iiwan at mamahalin k sa lhat ng kamalian mong ginawa.. I'm also happy when im reading books, specially pag ang author ng book eh si "JULIE GARWOOD" other says that my life is so boring..but im enjoying it.. Sarah is a daughter, a sister, a cousin, a lover,a friend(a true friend that you can lean on),a best among your friends, a church mate,a student and a teenager.. this is the REAL SARAH.. no one can change me and most specially no one has the right to judge me for whoever or whatever I am.. I am me bcoz i choose to be me.. ahehe sna nag enjoy kau basahin ang bout sakin.. pero try nio sa personal ahehe..para mlman nio ung totoo..ahehe!!! Be blessed!!!! I hope you enjoy reading my bio..ahehe!!! mwuah...Love you guys!!!

10 Comments on "Spoiled ba Ako?"

  1. april says:

    ayieh..mahal ka lang ng mga tao sa palgid mo kya SPOILED BRAT ka…

  2. jordan says:

    ang haba naman nakakatamad basahin…

Got something to say? Go for it!